Alexa Ilacad tinawag na ‘manggagamit’ nina Benedix Ramos at Brenda Mage

Brenda Mage at Benedix pinaratangan si Alexa na ginagamit lamang umano ang loveteam nila ni Eian?


Trending at usap-usap ngayon ang ilang mga maiinit na kaganapan sa loob ng pinaka-sikat na bahay sa bansa na Pinoy Big Brother Kumunity season 10.

Ito ay matapos na maglabas ng kani-kanilang mga kuru-kuro ang ilang housemates kagaya na lamang nina Brenda Mage at Benedix Ramos.

Sa pag-uusap nina Brenda Mage at Benedix ay napag-usapan nila si Alexa Ilacad at nasabi nila na tila ba ginagamit umano ni Alexa si Eian para makabuo ng loveteam at lumakas sa loob ng bahay.


Matatandaang tila nagiging malapit sa isa’t-isa sina Alexa at Eian bagay na napapansin ng ilang ding mga housemates at lalo pa ng mga fans, kaya naman nabuo ang loveteam fandom nila na AlEian na siyang kinikilig dahil sa pagiging malapit ng dalawa.

Sa kakatapos lamang na weekly task nila kung saan ay kinailangan nilang magtinda ng kanilang best dish ay napansin nina Alexa at Eian ang pangalang AlEian na bumili sa kanila bagay na ikinatuwa naman nila.

Ito ang siyang naging topic nina Brenda, Eian, Karen at Benedix, “Takot siyang mawala ang AlEian Nation… Kasi wala talaga siyang baon dito,” panimulang banat ni Brenda.

“Tsaka nakita ko sa kanya gano’n talaga e lalo na nu’ng nalaman na may AlEian sa labas,” dugtong pa ni Brenda na tinutukoy ang naganap sa nakaraang weekly task.

“Akala ko desido na siyang lumayo sa’yo(to Eian) , pero nu’ng nalaman niyang may mga sumu-support sa inyo parang OK na lang ulit,” sabat naman ni Benedix.

Ani ni Brenda na tila raw sumasakay na lamang si Alexa at ginagamit si Eian upang umano’y lumakas siya bilang housemate at magkaroon ng maraming suporta.

“Du’n ako madi-disappoint kung totoo ang iniisip ko,” pakli ni Benedix. “Talagang magagamit ka niya for your supporters,” diretsong sabi naman ni Brenda kay Eian.

Dahil dito ay tinanong ni Karen si Eian kung may gusto ba ito kay Alexa na mabilis namang sinagot ni Eian ng, “Like lang”, at sinabi ni Karen na baka napi pressured na si Eian na gustuhin si Alexa.

“Yun nga sabi ko, baka napi-pressure kasi alam na niyang may sumusuporta na sa inyo,” ani naman ni Benedix.

Hindi nagustuhan ng Alexa supporters ang itinuran nina Benedix at Brenda kaya naman nag trending ang “Let Alexa Hear Everything” at ang “BBE Benedix” dahil kabilang sa mga nominado ni Benedix.


Alexa Ilacad tinawag na ‘manggagamit’ nina Benedix Ramos at Brenda Mage Alexa Ilacad tinawag na ‘manggagamit’ nina Benedix Ramos at Brenda Mage Reviewed by admin on November 18, 2021 Rating: 5

No comments