Cristy Fermin may isiniwalat patungkol sa hiwalayang Janine at Rayver

Isiniwalat ni Cristy Fermin na hiwalay na nga sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz


Nitong nagdaang mga araw lamang ay lumabas ang issue patungkol sa di-umano’y paghihiwalayan nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Mahigit sa apat na taon ng magkarelasyon ang dalawa, noon ay kapamilya pa si Rayver samantalang kapuso pa lang noon si Janine Gutierrez.

Sa inilabas na balita ng iba’t-ibang entertainment website ay kinukumpirma ng mga ito ang paghihiwalayan ng dalawa matapos nga ang apat na taong relasyon.


Ayon sa mga balita ay kakulangan sa oras para sa isa’t-isa ang pangunahing dahilan kung bakit minabuti ng dalawa na maghiwalay na lamang, mutual di-umano ang desisyon ng dalawa na maghiwalay na at wala umanong third party sa kanilang maikling naging relasyon.

Magpasa hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang dalawa kung totoo nga ba ang kumakalat na balita.

Ngunit napansin ng mga netizens ang tila pagkakabura ng ilang mga litrato ni Janine sa Instagram account ni Rayver Cruz, bagay na magpapa kumpirma umano sa balita.

Samantala sa kaniyang radio program ay naglabas ng kaniyang saloobin ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin patungkol sa pinag-uusapang pagkaka delete ng litrato.

At dito ay isiniwalat ni Cristy Fermin na kumpirmado ngang hiwalay na talaga sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz matapos ang mahigit apat na taong pagsasama.

Napapansin din umano ni Cristy na sa gitna ng hiwalayang ito ay mas kinakampihan umano ng netizens si Rayver, “Mukha yatang hindi nauunawaan ng mga kababayan natin si Janine, mas ang kanilang simpatya ay na kay Rayver,” ani Cristy.

Isiniwalat din ni Cristy na ayon sa mapagkaka tiwalaang source niya ay si Janine daw mismo ang humiling kay Rayver na burahin ang mga litrato nito sa account niya.

“Hindi kaya dahil inamin niyang siya ang nakipag-break at siya ang nagpabura ng mga pictures niya kay Rayver,” pakli ni Nay Cristy Fermin sa kaniyang radio show.

Ibinahagi rin ni Cristy na nalulungkot siya sa nangyaring hiwalayan ng dalawa dahil sa perfect couple raw silang dalawa at tila nakatadhana talaga para sa isa’t-isa.


Cristy Fermin may isiniwalat patungkol sa hiwalayang Janine at Rayver Cristy Fermin may isiniwalat patungkol sa hiwalayang Janine at Rayver Reviewed by admin on November 20, 2021 Rating: 5

No comments