Cristy may patutsada muli kay Jinkee Pacquiao, “tutulog na lang, papakita pa pantulog?”

Muli na namang pinatutsadahan ni Cristy Fermin ang di-umano’y pagbabahagi ni Jinkee ng mga mamahaling bagay na mayroon ito


Muli na namang nagbahagi ng kaniyang kuro-kuro ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin patungkol sa asawa ng pambansang kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Ngayon ay pinuna nito ang tila pagiging mahilig sa luxury brand ni Jinkee Pacquiao na tila ba ipinangangalandakan pa raw niya sa lahat.

Naging topic kasi nila ang actress na si Heart Evangelista na katulad ni Jinkee Pacquiao ay madalas ding magbahagi ng mga luxury brand sa kaniyang social media.


Ani ni Cristy Fermin na sobrang magkaiba raw sina Heart Evangelista at Jinkee Pacquiao pagdating sa pagbibida nito ng mga mamahaling bagay na mayroon sila, aniya na ibinibida lamang umano ni Heart ang mga bagay na isinusuot niya sa pinagbibidahang serye nito.

Ibang iba raw ito sa ginagawa ni Jinkee Pacquiao na pagpapabida umano sa mga mamahaling bagay na mayroon siya, na dati’y hindi naman daw niya ginagawa.

Kung dati rati raw ay hindi naman nagpu post ng kung ano si Jinkee ngayon daw ay ultimo ang pantulog niya sa gabi ay ibinabahagi pa nito.

“Naninibago lang po tayo kay Jinkee Pacquiao kasi alam naman po natin na kahit na bulaklak ng mga halaman dati wala naman siyang mga hikaw,” saad ni Cristy.

“Tapos biglang ganyan na po siya ngayon na ipinag, pinangangalandakan na niya sa buong mundo ang kanyang mga ari-arian. Di ba, tinutotal yung mga suot niya,” dagdag pa nito.

Sinang ayunan naman ito ng kaniyang radio show partner na si Rommel at sinabing, “Oo, kamakailan lang meron naman tinotal, Yung pantulog niya na Louis Vuitton, tsinelas niyang Chanel, grabe”.

““Yung akin naman, tutulog ka na, papakita mo pa yung pantulog mo. Eh di matulog ka na lang sana agad-agad. Di ba? Kakaloka,” saad pa ni Cristy.

“Matutulog ka na lang sasabihin mo pa naka Louis Vuitton na tsinelas ka, Chanel ang pantulog mo. Di ba? Matulog ka na lang sana agad, huwag mo na ipinagmamalaki pa yang mga suot mo.

“Yun lang naman…Kaya kitang-kita mo talaga…Yung kay Heart, serye yon, yun ang ikot ng kwento talaga. Eh siya naman, ni wala ngang mini-serye, di ba?,” dugtong pa nito.


Cristy may patutsada muli kay Jinkee Pacquiao, “tutulog na lang, papakita pa pantulog?” Cristy may patutsada muli kay Jinkee Pacquiao, “tutulog na lang, papakita pa pantulog?” Reviewed by admin on November 26, 2021 Rating: 5

No comments