Gerald Anderson pinuri ang katambal na si Gigi De Lana, “It’s her first time..”
Proud na proud na ibinida ni Gerald Anderson ang kaniyang leading lady na si Gigi De Lana dahil sa galing nito sa pag-arte as a first timer
Sa ginanap na presscon para sa upcoming ABS-CBN Entertainment and iQiyi Philippines collaboration series na ‘Hello Heart’ ay naglabas ng saloobin sina Gerald Anderson at Gigi De Lana.
Dito ay inamin ng kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson na naramdaman umano niya ang galing ni Gigi, maging magic na tila nag spark sa pagitan nila.
Samantala si Gigi naman ay ibinahagi nito ang sobrang excitement na nadarama niya lalo pa’t ito ang unang beses na aarte siya bilang isang ganap ng aktres.
“It’s my first time doing this kasi puro kanta ako, di ba? Talagang na-pressure ako pero alam ko naman na gagawin ko ‘yung best dito sa project na ito. I will give 100% para sa series na ito. Kahit first time ko ito, gagawin ko siyang parang ‘di ko first time,” paliwanag ng singer-actress.

Matapos nga nito ay pinuri pa ni Gerald Anderson ang kaniyang leading lady dahil sa bukod sa pagiging magaling na singer ay mapapanood sa series ang kagalingan ni Gigi sa pag-arte.
“ABS-CBN will be so proud of her. ‘Yung mga fans sobrang magiging proud din sa kaniya. Kasi napapanood siya sa YouTube sa ginagawa niyang mga kanta, ito ibang platform,” ani Gerald.
“Outstanding! Not just with the performance but also sa effort na ibinigay niya, ‘yung passion na ibinigay niya. Alam mo talagang she cares for this. Malayo pa ang mararating sa platform na ito,” dagdag pa nito.
Pagdating naman sa chemistry nilang dalawa ay sinabi ni Gerald na dahil first time ni Gigi ay ginawa niya ang kaniyang makakaya upang maging kumportable sila sa isa’t-isa.

“Hindi mo make-create ‘yan lalo na sa sitwasyon ni Gigi, it’s her first time. All you can do as partner niya, is to make her as comfortable as possible. We are in a very high pressure, sensitive, vulnerable environment.
“Kailangan comfortable siya. And then, let the rest happen. Sa awa ng Diyos, naging okay naman. We feel like we made magic. Sana maging magic siya sa December 15,” ani Gerald.
Ang ‘Hello Heart’ ay ang isa sa tatlong series na collaboration series ng ABS-CBN Entertainment at iQiyi Philippines kabilang pa ang ‘Saying Goodbye’ at ‘Lyric and Beat’ na kapwa pagbibidahan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.
Ito ang kauna-unahang proyekto ng iQiyi sa South East Asia kasunod ng ilan pa nilang malalaking series na gagawin mula sa south korea, bahagi rin ito ng lalo pang pagpapalakas ng presensiya ng ABS-CBN bilang biggest content provider ng bansa.
No comments