Janella Salvador hula ng netizens bilang Valentina sa Darna TV Series
Hula ng netizens na si Janella Salvador ang siyang gaganap bilang iconic kontrabida ni Darna na si Valentina
Patuloy ngang pinag-uusapan ng netizens ang nalalapit na pagsisimula ng pinaka-hihintay na pagbabalik ng paboritong superhero ng bayan na Darna.
Matagal na rin noong unang inanunsyo na ang gaganap sa pamosong role ay si Jane De Leon, noon ay isa pa itong pelikula ng unang inanunsyo.
Disyembre ng nakaraang taon ng opisyal na ipinahayag ng pamunuan ng ABS-CBN na gagawin na itong TV series upang mas mapanood ito gabi-gabi ng bawat pinoy.
At nitong nagdaang buwan lamang ay isa-isa ng ipinakilala ng JRB Creatives, ang ABS-CBN TV Production na siyang gagawa ng TV Series, ang cast o makakasama ni Jane De Leon sa nasabing serye kabilang na sina Zaijan Jaranilla na gaganp bilang si Ding at si Joshua Garcia na love interest ni Jane.

Marami ang tunay na, na excite sa pagri reveal ng mga cast lalo pa’t nauna ng naibalita rin na maging si Iza Calzado ay kabilang sa naturang serye.
Gaganap si Iza Calzado bilang unang Darna at ina ni Jane De Leon na siya umanong gagabay sa kaniyang anak na si Jane upang maging susunod na Darna.
Samantala sa pagpapakilalang ito ng mga cast ay naging palaisipan pa rin kung sino ang gaganap bilang kontrabida ng serye na si Valentina.
Ngayong darating na biyernes pa lamang ipapakilala ang gaganap bilang Valentina ngunit ngayon pa lamang ay marami na ang humuhulang si Janella Salvador ang siyang napili sa naturang iconic role.

Sa ilang pasilip ng mga entertainment websites ay nagbigay sila ng clue kung saan ang aktres na nagsisimula sa ‘J’ ang pangalan ang di-umano’y napili na gaganap sa role.
Samantala sa pag-usbong ng naturang balita ay binalikan ng ilang fans ang naging tweet ni Janella sa kaniyang twitter account noon pang October 15 na maaaring ang role bilang Valentina ang pinatutungkulan nito.
“Tonight, a prayer has been answered. My heart is going to burst. Thank you thank you thank you thank you,” tweet noon ni Janella.
Kung magkataon ay ito na ang pagbabalik telebisyon ni Janella Salvador matapos magpahinga ng mahigit sa ilang taon dahil sa pagiging hand on mommy niya sa anak nila ni Markus na si Baby Jude.
No comments