Lolit hinamon si Pang. Duterte na ipahuli ang tinutukoy niya sa kaniyang patutsada
Hinahamon ni Lolit Solis si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan at ipahuli ang tinutukoy nito sa kaniyang mga patutsada
Nitong nagdaang mga araw lamang ay binulabog ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ibinunyag patungkol sa isang kandidato.
Ayon sa pahayag ni Pangulong Duterte na ang isa sa mga kumakandidato bilang Pangulo ngayong halalan ay isa umanong coc*ine user.
Kasunod ng patutsadang ito ni Pangulong Duterte ay ang paglalabas ng kani kanilang saloobin ng mga taga suporta niya at ng iba pa kung sino nga ba ang pinatutungkulan niya.
Kagaya ng ibang nai-intriga sa patutsadang ito ni Pangulong Duterte ay naglabas ng kaniyang saloobin ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa kaniyang Instagram account at dito ay hinamon niya ang pangulo na pangalanan at ipahuli ang pinatutungkulan niyang kandidato.

“Parang scary naman ang election ngayon, Salve. Iyon sinasabi ni Papa Digong na meron candidate na dr*g user bakit hindi niya ipahuli kung tutoo,” pagsisimula ni Lolit.
Nilinaw ni manay Lolit na hindi niya ma-imagine na magparatang ng ganito ang pangulo at hindi niya ipahuli lalo pa’t ito ang pinakamalaking ginagawa niya.
“Parang hindi ko ma imagine na mismo si Papa Digong nag-accuse nito eh bakit hindi hulihin kung may evidence para ipakita na kahit sino hindi puwede gumamit ng bawal na drog* ?
“Lalo pa siguro hahanga ang mga tao sa tapang ni Papa Digong kung ipapahuli niya iyon sinasabi niyang gumagamit ng bawal na dr*gs di ba ?,” pakli pa ni manay Lolit.

“Hinihintay ng lahat kung sino ang kandidato, hinihintay ng lahat kung ipapakita ni Papa Digong na seryoso siya sa kanyang accusation.
“Magandang example ito para sa lahat dahil malaking tao ang ipapakita mo na hindi kayang lumabag sa batas ng Pilipinas. Go Papa Digong, huwag gumaya sa mga showbiz writers na mahilig sa blind items, i reveal iyan , sabihin ang pangalan, huwag itago.
“Kung ikaw mismo hindi kaya sabihin ang name lalong hindi magagawa ng iba, kaya nasa iyo ang pag asa, will you let us have a President na gumagamit ng sabi mo?
“Hindi ba malaking tulong sa bayan kung habang ikaw ang Presidente ay mapakulong mo ang taong ito ? We are waiting for you,” bahagi pa ng litanya ni Manay Lolit.
No comments