Maja Salvador at Joshua Garcia may mensahe sa new Valentina, Janella Salvador
Mga kaibigang sina Maja Salvador at Joshua Garcia nagbigay ng mensahe para sa bagong Valentina na si Janella Salvador
Nitong biyernes nga (November 19), ay opisyal ng ipinakilala ng JRB Production, ang ABS-CBN drama unit na hahawak sa Darna TV Series, ang gaganap na Valentina.
Ito ay walang iba kundi si Janella Salvador na gaganap bilang si Regina, ang alter ego ni Valentina, na siyang main villain ng upcoming series na Darna.
Matapos nga ang matagal na hulaan at usap-usapan ay napunta na kay Janella Salvador ang iconic role na katapat ni Jane De Leon.
Labis ang pasasalamat ni Janella Salvador na mapili siya bilang new generation Valentina lalo pa’t ito ang pagbabalik teleserye niya matapos ang ilang taon magmula ng magkaroon siya ng showbiz break dahil na rin sa pagsilang niya sa kaniyang anak na si baby Jude.

Ito rin ang magsisilbing unang pagkakataon na gaganap bilang kontrabida si Janella na makilang beses ng gumanap bilang bida sa ilang mga teleseryes.
Samantala marami ang nagpahatid ng kanilang kasiyahan at congratulation message kay Janella dahil sa pagkakakuha ng naturang role.
Una na rito ang kaibigan at tita na si Maja Salvador na sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ng kaniyang mensahe para batiin si Janella.
“Ayan na! So Proud Of You My Emma!!! @superjanella,” tweet ni Maja na tinawag na ‘My Emma’ si Janella, pangalan nito sa hit serye nila noon na The Killer Bride, kaakibat ang hashtag na The Valentina Reveal.

“Thank you, my Camila.,” mabilis na reply naman ni Janella na ginamit naman ang pangalan ng karakter ni Maja sa kaparehong serye nila noon na The Killer Bride.
Samantala hindi rin naman nagpahuli ang dating naka loveteam niya na si Joshua Garcia na ngayon ay makakasama niya rin sa Darna TV series.
“Congrats Valentina @superjanella,” tweet ni Joshua Garcia, kaya naman hindi napigilan ng ilang fans na matuwa dahil sa muli g pagsasamang ito nina Joshua at Janella.
Biro tuloy ng isang netizen, “Uunahin pa iligtas ni darna ang mga nangangailangan nang tulong, kasya mag lovelyf, kaya mababaling nlng atensyon ni officer Brian kay Valentina Aiiieee charot!”
No comments