Scottie Thompson proud na ibinahagi ang mga post-nuptial photos nila ni Jinkee
Proud na ibinahagi ni PBA player Scottie Thompson ang mga litrato nila ng asawang si Jinkee Serano sa kaniyang Instagram account
Tila nagbabalik sa usap-usapan ngayon ng mga netizens ang kontrobesiyal na mag-asawang sina Scottie Thompson at Jinkee Serano.
Matapos ang mahigit na limang buwan mula ng sila ay ikinasal ay naganap ang kanilang post-nuptial photoshoot, na ibinahagi sa social media.
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Scottie ang mga litratong ito kung saan makikita ang tila walang humpay na pagmamahalan nilang dalawa.
Kaakibat pa ng mga litratong iyon ang tila pagiging proud ni Scottie bilang asawa ni Jinkee Serano Thompson, sa kaniyang caption dito ay ibinunyag nito na wala siyang pag-aalinlangan sa kaniyang mga desisyon sa buhay lalo na ang makasal kay Jinkee Serano.

“No doubt in my mind that everything happens for a reason. Every single thing, the good and the bad. It leads you to where you’re meant to be. It led me to you,” ani Scottie.

“I found my home in your heart @_jinkythompson,” dugtong pa niya kung saan naka tag pa ang Instagram account ng asawang si Jinkee.
Narito ang ilan sa mga litratong proud na ibinahagi ni Scottie para sa netizens:




Matatandaang naging maingay ang pagpapakasal nilang dalawa dahil sa naging biglaan ang mga pangyayari na ikinagulat ng kaniyang mga tagahanga.
Enero ng taong ding ito ng mag proposed si Scottie sa long time girlfriend nito na si Pau Fajardo ngunit makalipas ang ilang buwan ay hindi pala mauuwi sa kasalan ang proposal na ito.
*All Photos credit to Nice Print and Scottie Thompson Instagram account
No comments