Angelica Panganiban, pinagsisihan ang pagtanggi niya sa “Four Sisters and a Wedding”
Ibinunyag ni Angelica Panganiban na pinagsisisihan niya ang hindi pagtanggap sa role sa Four Sisters and a Wedding
Pinagsisisihan pala ni Kapamilya superstar Angelica Panganiban ang pagtanggi niya sa alok ng Star Cinema na mapabilang noon sa ‘Four Sisters and a Wedding”.
Ito ang siyang ibinunyag ni Angelica Panganiban ng tanungin siya ng batikang showbiz talk show host na si Tito Boy Abunda sa kanilang one on one interview.
Sa YouTube vlog ng batikang host na may titulong, “Who Are You When No One Is Watching: Angelica Panganiban,” ay isiniwalat nga dito ni Angelica ang naturang topic.
Sa naturang interview ay napag-usapan ng dalawa ang patungkol sa mga naging pelikula ni Angelica at napunta si Tito Boy sa tanong na kung mayroon na bang pagkakataon na may tinanggihan siyang movie role na in-offer sa kanya at ibinigay sa ibang tao na pinanghinayangan niya noong napanood niya?

Naging mabilis naman ang sagot ni Angelica at sinabing, “Yung ‘Four Sisters [and a Wedding],’ Tito Boy,” saad ni Angelica. “Hanggang ngayon, hindi ko siya pinapanood.”
Nahiwagaan naman si Tito Boy sa naturang sagot ni Angelica kaya naman mabilis niya itong tinanong pabalik ng, “Bakit mo siya tinanggihan?”
“Mas ano siya tito Boy.. may mga di lang nagkasunduan dun sa mga agreement ganyan.. so parang hmm wag na lang,” paliwanag ni Angelica.
“Ok it have nothing to do with the role no?,” sunod na itinanong naman ni tito Boy na sinagot naman ni Angelica na natawa na lamang sa pangyayari.

“Nung gumanon ako na ‘wag na lang.. ‘ok’ sabi sa akin ng Star Cinema,” ani ni Angelica na natatawa pang dinagdagan ng “bakit nag ok sila agad” dahilan upang magtawanan sila ni tito Boy.
Matapos nito ay hindi naman na lumawig pa ang naturang topic at hindi na rin nasabi ni Angelica Panganiban kung anong role ba dapat ang gagampanan niya sa naturang pelikula.
Ang Four Sisters and A Wedding ay ang hit Star Cinema family movie na pinagbidahan nina Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Bea Alonzo at Angel Locsin.
Naging instant favorite ng mga kapamilya fans ang naturang pelikula na madalas na nagagamit pa sa mga memes at tila naging bahagi na ng usapan ng bawat pamilyang pilipino.
No comments