Brenda inihalintulad sa MayWard ang pagiging closeness nila ngayon ni Eian Rances
Inihalintulad ni Brenda ang closeness nila ng kasamahang housemate na si Eian Rances sa tambalang MayWard nina Maymay at Edward
Mas tumitindi pa ang mga tensyon at kaganapan sa pinaka mainit na pinag-uusapang edisyon ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.
Sa latest happenings sa loob ng bahay ni kuya ay nahati ang mga housemates sa dalawang grupo kung saan magpapalakasan sila para sa immunity ng nomination.
Sa gitna ng pangyayaring ito ay nag bonding ang team ni Samantha kabilang si Brenda Mage kung saan napag usapan nila ang mga nakaraang pangyayari sa bahay ni Kuya.
Natuon ang topic ng mga ito sa nangyaring tila loveteam loveteam noon sa PBB Lucky 7 kung saan nabuo ang ipang di malilimutang kaganapan sa mga teens kagaya na lamang nina Kisses Delavin, Maymay Entrata, Marco Gallo, Vivoree Esclito, Heaven Peralejo at Edward Barbers.

Napag usapan nang mga ito ang tila pagkakaroon ng iba’t-ibang loveteam sa pagitan ng mga teen housemates, kagaya nina Heaven kay Marco, kay Marco at kay Kisses.
“Grabe nangyari dito, alam mo ba nangyari kay Kisses?, Nag breakdown siya dito tapos iyak nang iyak kasi akala niya same page sila ni Marco,” kwento ni Brenda.
Dito ay ibinahagi ni Brenda na para rin daw sila ni Eian sina Marco at Kisses, na akala ni Kisses ay may gusto sa kaniya si Marco pero si Vivoree pala ang gusto.
“Ah parang panakip butas?,” tanong naman ni Samantha na agad na ipinaliwanag ni Brenda na hindi naman umano maihahalintulad sa panakip butas ang nangyari.

“Hindi panakip butas… Parang ako nga na close na close kami ni Eian tapos nag expect ako na gusto ako ni Eian, ang ending mai inlove siya kay Vivoree, kay Alexa ganon,” ani Brenda.
Matapos nito ay napasok din ang topic patungkol sa namuong loveteam sa pagitan nina Maymay Entrata at Edward Barbers na inihalintulad muli ni Brenda sa kanila ni Eian.
“Parang ako nga, parang ako rin si Maymay tapos si Eian si Edward… parang close lang kami, nandun kami sa parang more than friends but less than lovers pero hindi niya ako love, parang ganun.
“Kami ni Eian talaga more than friends kami kung tutuusin pero yung ginagawa namin less than lovers yung ganun, kung ako babae mapo fall talaga ako nun, yung ganung feelings,” paliwanag pa ni Brenda.
No comments