Chie Filomeno inaming walang sama ng loob kay Madam Inutz: “She’s still one of my Big 4”

Sa kabila ng naging rason ni Madam inutz para inominate siya, Inamin ni Chie Filomeno na wala siyang galit o sama ng loob kay Madam Inutz


Inamin ni ex PBB Kumunity Season 10 housmate na si Chie Filomeno na wala itong galit o sama ng loob sa kasamahang housemate na si Madam Inutz.

Sa isang interview ay ipinahayag ni Chie na sa kabila ng naging rason sa kaniya ni Madam Inutz upang i-nominate ay para sa kaniya ay bahagi pa rin ito ng kaniyang Big 4.

Pag-amin pa ni Chie na noong una pa lamang ay bahagi na si Madam Inutz ng kaniyang Big 4 at magpasa-hanggang ngayon ay hindi ito naaalis sa gusto niyang Big 4.


“Sa akin kasi like tinanong ako kung sino ang Big 4 ko, siya (Madam Inutz) lang ang hindi natatanggal sa Big 4 ko. As in siya talaga ‘yung Big 4 ko whether narinig ko na ‘yung sinabi niya kasi alam ko kung ano ang na-offer ko sa loob ng Bahay ni Kuya,” pagsisimula ni Chie.

“Alam ko kung ano ang mga nagawa ko for the housemates, also for myself,” agad na idinugtong niya at ipinaliwanag din na malaki umano ang bahay para makita nila ang ginagawa ng bawat isa.

“Mayroon rin kasing instances talaga na ang laki ng bahay so hindi mo talaga makikita din kung ano ang ginagawa and ang dami namin so du’n ko na lang tinignan sa perspective na ‘yun,” dagdag niya.

At matapos nga nito ay inamin na niya na hindi nawala ang respeto niya kay Madam Inutz kaakibat ang pagpapatibay niyang ito ang isa sa Big 4 niya.

“And si Madam Inutz, she’s a strong, independent woman, a single mom and alam ko lahat ng pinagdaanan niya so that doesn’t change like kung ano ‘yung tingin ko sa kanya kahit narinig ko ‘yun. She’s still one of my Big 4,” ani Chie.

Matatandaan ngang nitong nakalipas na ilang linggo lamang ay naging usap-usapan ang nomination night ng PBB kung saan isa sa naging nominado si Chie na kalauna’y ikinatanggal niya.

Nag-viral ang naging rason ni Madam Inutz kung bakit niya nino-nominate ang co housemate niyang si Chie, na para sa marami ay bahagi lamang umano ng pagpapakatotoo ni Madam.

“Ready na siya. Ready na siyang umalis kasi nga wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda,” ang rason ni Madam Inutz.

Si Chie Filomeno nga ang third evictee ng PBB Kumunity Season 10, ngunit sa paglabas naman niya ay nagsunod-sunod agad ang proyekto niya kabilang na ang pagiging calendar girl niya para sa isang kilalang inumin.


Chie Filomeno inaming walang sama ng loob kay Madam Inutz: “She’s still one of my Big 4” Chie Filomeno inaming walang sama ng loob kay Madam Inutz: “She’s still one of my Big 4” Reviewed by admin on December 04, 2021 Rating: 5

No comments