Cristy Fermin may patutsada kay Barbie: “Wala kang karapatang tawaging mistress si AJ”

May patutsada at pangaral ang showbiz columnist na si Cristy Fermin para kay Barbie Imperial


Patuloy na pinag uusapan ngayon sa social media ang mainit na topic patungkol sa awayan at parinigan nina Barbie Imperial at AJ Raval patungkol kay Diego Loyzaga.

Nagsimula ang lahat matapos na ibinunyag ng self proclaimed boy marites na si Xian Gaza na nagkaroon ng awayan sa pagitan nina Barbie at Diego.

Dito ay idinawit niya ang pangalan ni AJ Raval na may something di umano kay Diego Loyzaga, dahilan upang sabihin ni Barbie na magsalita dapat si AJ Raval ng katotohanan.


Inamin ni Barbie Imperial sa isang one on one interview na wala naman silang malaking pag aaway ngayon ni Diego Loyzaga at pawang kasinungalingan lamang ang ibinabato sa kanila ni Xian Gaza, kaakibat nga nito ang panawagang magsalita ni AJ at sabihing hindi ito kabit ni Diego.

At sa kaniyang radio program ay muling naglabas ng kaniyang saloobin at pinuna si Barbie ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute, ipinaliwanag ng kolumnista na hindi pa kasal si Barbie sa boyfriend nitong si Diego Loyzaga kaya wala itong karapatan na tawaging kabit ang sinumang nali-link sa lalaki.”

Ineng, magkarelasyon pa lang kayo ni Diego Loyzaga, hindi pa kayo mag-asawa, kaya wala ka pong karapatan na tawaging mistress ang sinumang babae na napapalapit kay Diego,” ani Cristy.

Pinagsabihan nito si Barbie Imperial na hanggat hindi pa sila kasal ni Diego Loyzaga ay wala pa itong karapatang tawagin ang ibang babae na isang mistress.

“Wala ka pang kasiguruhan kung magiging kayo. Iwasan mo ‘yang pagsasabi ng ganyan. Wala ka pang pasaporte para i-brand ang isang babae na mistress,” dagdag niya.

“Wala, wala. Kasi wala ka pang hawak na dokumentong magpapatunay na si Diego at ikaw ay kasal na,” hirit pa ni Cristy laban kay Barbie Imperial.

Inilarawan din ng kontrobersiyal na kolumnista na si Barbie Imperial ay isa umanong sutil at malayong malayo ang pag-uugali kumpara kay AJ Raval.

“Si Barbie Imperial ay kilalang-kilala sa pagiging sutil. Itong si AJ ay maayos ang pagpapalaki, pero pag nagalit ang mabait, tingnan natin kung ano ang aabutan nito,” aniya pa.


Cristy Fermin may patutsada kay Barbie: “Wala kang karapatang tawaging mistress si AJ” Cristy Fermin may patutsada kay Barbie: “Wala kang karapatang tawaging mistress si AJ” Reviewed by admin on December 02, 2021 Rating: 5

No comments