Elisse ibinahagi ang kwento ng pagdadalang tao, hindi umano pinahiran ni Baby Felize
Ibinahagi ni Elisse Joson ang napagdaanan niya ng malamang buntis siya
Sa isang interview with Metro at binalikan ni Elisse Joson ang kaniyang pagdadalang-tao, mula ng una niya itong malaman hanggang sa maipanganak niya si Baby Felize.
Noong unang beses na malaman umano niyang buntis siya ay maraming tanong ang agad na sumagi sa isip niya, “Ang daming questions sa utak ko but at that point, mas nangibabaw talaga ’yung saya!”
“Hindi ako masyadong nag-worry at that time. Basta nu’ng nalaman ko lang, I knew it was a positive feeling for me,” aniya ng malaman umano niyang tatlong buwan na siyang buntis.
Ang una umano niyang tinawagan upang ipa-alam na buntis siya ay ang kaniyang pinsan, tsaka pa lamang niya ipina-alam sa boyfriend na si McCoy, “After that tinawagan ko na siya (McCoy) and I told him the news. And parang siya rin, ’yung reaction niya nu’ng una, paulit-ulit niyang tinatanong, ‘Talaga? Talaga?’,” kwento pa ni Elisse.

“Pero ’yung rinig ko sa boses niya that time, it was also a positive and happy tone. Hindi ko naramdaman na ayaw niya or merong hesitation sa boses pa lang niya,” dagdag pa nito.
Dahil umano sa positibong tono ni McCoy ng marinig ang pagbubuntis niya ay nawala umano ang pag-aagam agam niya at napalitan ng labis na kasiyahan.
“And malaking bagay ’yun for me kasi it’s my first time and it’s a surprise to me, so ’yung marining mo ’yun sa partner mo, parang nakakawala ng, kumbaga, kung anuman ’yung ibang nararamdaman ko at that time other than joy, nawala ’yun,” aniya pa.
Matapos nito ay sinabi naman niya sa kaniyang Ina, “Nawalan ako ng bigat sa shoulders ko nu’ng nasabi ko na sa kanya. At least, I told her already and ’yun na ’yun. We just had to move forward and deal with what was happening to me back then.”

Ibinahagi rin nito sa naturang interview na hindi siya pinahirapan ni Baby Felize noong dinadala niya ito, hindi umano siya nakaramdam ng malalang morning sickness at ilan pang nararanasan ng mga buntis.
“Hindi ako nag-morning sickness. Hindi ako nagkaroon ng intense cravings. Hindi ako naghahanap sa mga tao na gusto ko nito, bili mo ako nito. Walang ganu’n. Walang hilo. Walang suka.
“It was as if she was helping me, na parang sabi niya siguro stressful times that time because I didn’t know how to deal with things work-wise. ‘Saan kami mag-stay?’ ’Yung mga ganu’ng unang questions sa mind ko. Parang tinulungan niya ako nu’n kahit na nasa tiyan ko pa lang siya kasi nga hindi niya ako binigyan ng hirap.
“Hindi ako in pain na ’yung mga naririnig kong kuwento from other moms, ’yung pinagdaanan nila. Sa akin naman, siyempre nahirapan din ako. Iba rin ’yung feeling pero hindi siya ’yung sobrang hirap na hirap. It was tolerable for me and I actually enjoyed the process,” buong kwento ni Elisse.
April 10 isinilang si Baby Felize sa Amerika at nitong Oktubre lamang ng i-anunsyo nila McCoy at Elisse ang tungkol dito sa PBB Kumunity Season 10.
No comments