Jessy may paki-usap sa haters, “If you want to correct someone, correct them respectfully”
May paki-usap si Jessy Mendiola sa lahat patungkol sa pagpuna sa kapwa sa mga maling nasasabi nito
Sa isang panayam ay ibinahagi ni Jessy Mendiola ang patungkol sa takbo ng kaniyang career sa kasalukyan, inamin nitong hindi niya iiwan ang pag-aartista.
Dito ay nilinaw niya na wala umano siyang exclusive contract sa kahit anong estasyon, “I am currently with no network. I’m a freelancer right now. Yun nga I’m still enjoying my time na nagba-vlog, pa-easy easy lang.
“I value my health more than anything and aminin naman natin in our industry, aminin natin lahat tayo laging pagod and hindi naman din maiiwasan talaga kasi blessings yun, eh,” ani nito.
Idunugtong din naman nang asawa ni Luis Manzano na gugustuhin din niyang isa-isahin lamang ang kung anong proyektong maihahain sa kaniya, “But for me, mas gugustuhin ko na nakakapahinga ako. Even yung emotions ko naaapektuhan pag puyat ako. So hindi din siya healthy for me. Siguro paisa isa lang.”

Sa kasalukuyan ay nagawa na umano ni Jessy ang isa sapinakagusto niyang gawin ngayon, ito ay ang pag ho host ng isang event kung saan binigyang payo pa siya ng kaniyang asawa.
“Sinasabi sa akin ni Luis na, ‘You have to read your script over and over again because what if nawala yung co-host mo di ba? You have to know kung saan mo siya sasaluhin.’
Ibinahagi pa ni Jessy na ngayong may mga kumukuha sa kaniya bilang host sa isang event ay talaga namang kinakikiligan niya ito.
“Kaya nakikilig ako pag kinukuha ako ng mga brands for hosting gigs. ‘Oh my gosh host na ako!’ Kasi dati I used to be so intimidated. As in talagang nagno-no ako pagka may nag-i-inquire about hosting.

At dito ay ibinahagi ni Jessy ang naranasan na niyang tila pagkapahiya matapos na maging katatawanan ang ilan sa mga clips ng interview niya noong nagkakamali siya sa pronounsiations.
“Kasi ang dami ko ng mga bloopers sa TV sa mga questions before or interviews. Yung mga wrong grammar or wrong pronounciation. But that’s okay. It’s part of it. Wala namang perfect, eh.
“Kahit yung mga pinaka-perfect mag-English nagkakamali pa rin. Sa experience ko ganun. Sana tayong lahat magtulungan na lang tayo.
“If you want to correct someone, correct them respectfully di ba? Parang it all part of growing so sana huwag naman natin i-crucify yung isang tao dahil lang mali yung sinabi niya,” aniya pa.
No comments