Naki-usap sa press, Diego Loyzaga ayaw nang pag-usapan ang isyu nila ni Barbie kaugnay si AJ Raval
Nakiusap ang aktor na si Diego Loyzaga na huwag ng pag-usapan pa at ungkatin ang isyu nila ni Barbie Imperial kaugnay si AJ Raval
Sa ginanap na media presscon para sa upcoming Viva film nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ay may agad na nilinaw ang aktor sa press people.
Bago pa man magsimula ang tanungan portion para sa dalawa ay agad na nilinaw ni Diego ang side nilang magkasintahan at nakiusap sa press.
“Ako lang ang magsasalita, on behalf of the both of us. Barbie doesn’t have to say anything at all,” panimulang sinabi ni Diego sa virtual conference ng ‘Dulo’ film.
“So to all our friends today, unang-una, gusto kong magpasalamat. Once again, you’ve given us the time of your day to spend with us, to promote our movie. I know it’s inevitable that someone will gonna ask certain questions so I want to be the one na mauna na and talk about it briefly.

Ipinaliwanag ni Diego na ang naturang virtual conference ay para sa kanilang pelikula at huwaf na sanag magtanong ang iba na labas patungkol sa pelikula nila.
Idinagdag pa ni Diego na hindi na umano nila kailangang magsalita pa ng kung ano upang malinis ang kanilang pangalan sa anumang isyung kinasasangkutan nila.
“All I want to say nga po is, today, we are here to promote and to talk about our movie, and I want [it] to stay that way. Tungkol lang sa movie, everything about the movie.
“Now, if other people are mentioned or if other questions are mentioned about other people who are not part of this project, this Zoom, this meeting, wala akong kailangan sabihin tungkol doon.”

Dagdag pa ng 26-year-old actor at kasintahan ni Barbie Imperial na, “Kaming dalawa, wala na kaming kailangang sabihin tungkol doon.
“And hindi rin kami ni Barbie yung tipo ng tao na kailangan manira ng ibang tao o magsalita tungkol sa ibang tao para malinis ang mga pangalan namin, because there’s nothing that we need to clean in the first place and I wanna leave it at that.
“I want this to be a positive experience. I want this to be a positive presscon and good vibes lang. Happy…. Happy kami!! So, please, let’s not entertain anything else. Let’s leave it at that,” buong paliwanag ni Diego.
Ang Dulo ay ang pelikulang pagsasamahan nilang dalawa ni Barbie Imperial at mapapanood sa Vivamax simula sa December 10, 2021.
No comments