Bilang isang showbiz manager, Ogie naglabas ng saloobin tungkol kina SethDrea at Francine

Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa pinag-uusapang isyu nina Andrea, Francine at Seth


Tunay na usap-usapan nga ngayon sa social media ang patungkol sa miyembro ng Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin.

Patungkol ito sa lumitaw na litrato ni Seth Fedelin na kasama ang buong pamilya ni Francine Diaz na ibinahagi ng kapamilya ni Francine sa social media.

Sumunod nga nito ang patungkol sa pag follow, unfollow at pag ba blocked nina Francine at Andrea sa kani-kanilang Instagram accounts.


Sa kaniyang showbiz youtube vlog ay napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pocko ang naturang isyu, at naglabas sila ng kani-kanilang opinyon patungkol dito. Ibinahagi ni Ogie ang kaniyang saloobin bilang isang manager na may inaalagaang mga artista.

Ani ni Ogie bilang manager at sa kaniyang opinyon ay wala namang namumuong relasyon sa pagitan nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes at tunay na magka loveteam lamang ang mga ito.

Dagdag pa ni Ogie na sa kaniyang hinuha ay naging emosyonal lamang si Andrea matapos na makita ang naturang isyu dahil sa inaalagaan nito ang kanilang loveteam.

“Bilang manager(ako), siguro itong si Andrea medyo na-off kasi baka feeling niya, ‘Sandali, inaalagaan natin yung love team natin e, ako lang ba mag-aalaga? Di ba dapat tayong dalawa? Bakit may FranSeth?’,” kwento ni Ogie.

Dahil opinyon lamang nila ito ay diretsahang tinanong ni Ogie si Andrea sa kaniyang vlog at tinanong ng, “Andrea Brillantes, nagseselos ka ba kay Francine?”

Matapos nito ay naglabas din siya ng saloobin patungkol naman kina Seth at Francine na sa kaniyang palagay ay wala namang kung anong relasyon ang dalawa kundi ang magkaibigan lamang.

Sa sapantaha ni Ogie ay maaaring bumisita lamang si Seth kina Francine dahil nga sa magkaibigan sila, kung saan na excite lamang marahil ang ina ni Francine kaya walang malisyang ibinahagi ito sa social media.

Ibinahagi naman ni Mama Loi na hindi ito ang unang beses na na-tsismis na sina Seth at Francine, dahil noon pa man daw ay may mga lumilitaw ng litrato na magkasama silang dalawa.

“Seth, nanliligaw ka ba kay Francine kaya ka nasa bahay nila?,” diretsang tanong din naman ni Ogie para kay Seth. Matapos nito sinabi ni Ogie na sila lang naman ang makapagsasabi ng totoo dahil sila ang involved sa isyu, at sa tingin niya ay darating ang oras na magku kwento ang mga ito ng katotohanan.


Bilang isang showbiz manager, Ogie naglabas ng saloobin tungkol kina SethDrea at Francine Bilang isang showbiz manager, Ogie naglabas ng saloobin tungkol kina SethDrea at Francine Reviewed by admin on January 15, 2022 Rating: 5

No comments