Jodi ibinahagi ang mga natutunan sa pag-ganap niya bilang Dra. Jill Ilustre

Nagbahagi ng kwento si Jodi Sta. Maria patungkol sa karakter niyang si Dra. Jill Ilustre ng The Broken Marriage Vow


Sa ginanap na solo presson ni Jodi Sta. Maria para sa upcoming and most anticipated drama series na The Broken Marriage Vow ay isa-isang sinagot ni Jodi ang tanong ng media.

Agad na tinanong ng media si Jodi sa kung ano ang pagkakapareho niya sa ginagampanan niyang role bilang si Dra. Jill Ilustre na siyang pinagtaksilan ng kaniyang asawa.

“One thing na similar kami ni Dra. Jill is when we are put in a situation kung saan medyo difficult siguro parang we try as much as possible to stay calm and connecting.


“And you know para maging logical as much as possible. Siguro Jill and Jodi is the same sa pagiging passionate sa mga bagay na gusto nila sa buhay nila o mga bagay na pinahahalagahan nila, we are similar on that way,” pagku-kwento ni Jodi na kapareho niya kay Jill na isa na ring Ina.

Matapos nito ay agad naman siyang natanong kung maaari ba na magawa niya sa totoong buhay ang mga nagawa ni Dra. Jill pagdating sa pag-ibig o pagmamahal.

At dito ay ibinahagi niya ang mga anpagdaan ng kaniyang karakter na si Dra. Jill at tsaka sinabi na maaaring mangyari iyon lalo pa kung labis na ang sakit, ngunit sa huli ay may hugot siyang ibinahagi.

“You know what? What happened to Dra. Jill is kasi she has this picture perfect life, ang ganda ng trabaho niya, may mabait at matalino siyang anak, may mapagmahal siyang asawa and gumuho lahat ‘yun nu’ng nalaman niya ‘yung tungkol sa affair.

“Well, nagsuspetsa muna siya hanggang sa naging obsessed siya sa pag-alam (pagtuklas) kung totoo ba talaga ‘tong affair na ‘to,” pagbabahagi ni Jodi.

“And she was able to do things out of that obsession of finding out. Naging obsessed siya sa revenge kasi ang gusto lang naman niya ay maibalik ‘yung dignidad na nawala sa kanya,” dagdag pa niya.

“Siguro posible kapag napunta ka sa point ng betrayal sometimes hindi ka na logical talaga mag-isip, eh. You are just suddenly hijack by your emotions and when you are too emotional about something, you cannot think logically, di ba?

“And siguro out of ‘yung hurt niya, ‘yung pain niya, nakagawa siya ng bagay na hindi mo iisiping magagawa o gagawin ng isang doctor na katulad niya.”

Matapos nito ay ibinahagi niya na may natutunan siya sa karakter na si Dra. Jill, “there is always a life after a heartbreak.”

Mapapanood na ang The Broken Marriage Vow simula ngayong January 24 na 8:40PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at on demand via iWant TFC.


Jodi ibinahagi ang mga natutunan sa pag-ganap niya bilang Dra. Jill Ilustre Jodi ibinahagi ang mga natutunan sa pag-ganap niya bilang Dra. Jill Ilustre Reviewed by admin on January 15, 2022 Rating: 5

No comments