GF ni TJ Valderama, naglabas ng saloobin sa kinakaharap na issue ng nobyo
Nagsalita na sa unang pagkakataon ang Girlfriend ni TJ Valderama kaugnay sa issue’ng kinakaharap ng boyfriend
Trending at talaga namang usap-usapan ngayon sa social media ang mga kaganapan sa pinaka-sikat na bahay sa bansa na Pinoy Big Brother.
Ilang linggo na ring laman ng social media ang mga nagiging kaganapan sa loob ng bahay ni kuya dahil sa mga intense at talaga namang papakatutukang issue.
At ngayon ngang linggo ay labis na pinag-uusapan ang di-umano’y pagiging sobrang malapit ni TJ Valderama sa girl co-housemate nitong si Shanaia Gomez.
Sa mga lumitaw na videos kasi ay mapapanood na tila nagiging kumportable si TJ sa paglapit at pagdikit niya kay Shanaia, sa isang video ay mapapanood na habang nagtu-toothbrush si Shanaia ay niyakap siya ni TJ at bineso-beso, bago pa nga nito ay nakitang tumingin pa siya sa kaliwa’t kanan na tila ba sineguradong walang makakakita sa gagawin niya.

Sa isang video pa ay makikitang tila nakapulupot ang kamay ni TJ sa katawan ni Shanaia at bahagyang hinihimas ang beywang nito.
Dahil sa mga nasabing tagpo na napanood ng mga netizens ay agad na nag trending ang ‘Force Evict TJ’ at ‘Protect Shanaia’, bilang paglalabas ng saloobin ng netizens.
Maging ang grupo na nagpo protekta sa kababaihan na ‘Gabriela Women’s Party’ ay napansin din ang sigaw ng netizens at naglabas sila ng kanilang pahayag ukol dito.
Ani ng grupo na nai-save na nila ang mga photos at videos na kinakailangan upang mabigyan ng atensyon ang anumang bagay na kailangang gawin.

Samantala naging makahulugan naman ang mga tweet na ibinahagi ng girlfriend ni TJ na si Cherry Malaya kung saan hindi na ikinatutuwa ang nangyayari.
“Nakikita ko lahat ng mga yan. Don’t worry,” unang tweet nito. “Eh kung i-force evict ko rin yan sa Malaya House???,” sunod na tweet niya kaakibat ang hashtag na Force Evict TJ.
Matapos nito ay naglabas siya ng saloobin pa niya at nag sorry sa mga magulang at pamilya ni TJ kung bakit siya nagsasalita ngayon, paglilinaw nito na mahal niya ang pamilya ni TJ at nais niya lamang maglabas ng kaniyang saloobin.
“Alam nyo, di rin tama ang ginagawa nyong pag-husga at pagb*b*lly kay Tj. Totoo, he has done me wrong. Pero nasa aming dalawa yun. Paglabas nya maguusap kami. Wag na kayo makisawsaw. Dami nyong oras,” sunod na tweet niya.
Sa huli ay naki-usap siyang sana ay aksyunan din ng programa ang natatanggap na hate comments ni TJ lalo pa’t wala itong alam sa kung anong nagaganap sa labas ng bahay ni Kuya.

No comments