Ogie Diaz at Kim Atienza, nagsagutan sa twitter dahil sa kumento ng netizen?
Sinagot ni Ogie Diaz ang nai-tweet sa kaniya ni Kuya Kim Atienza patungkol sa kaniyang ama na kumakandidato sa susunod na halalan
Tila nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng batikang showbiz columnist-manager at ng dating kapamilya na ngayo’y kapuso na, na si Kuya Kim Atienza.
Sa kaniyang showbiz vlog kasi ay napag-usapan nina Ogie Diaz ang patungkol sa tila naging shade ni Kuya Kim sa It’s Showtime kaugnay ng pagiging direktor ni John Prats sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Nauna naman na itong ipinaliwanag ni Kuya Kim at sinabing hindi niya pinaparinggan ang dating mga kasamahan niya sa It’s Showtime lalo pa’t mahal na mahal niya ang mga ito.
Sa pag-uusap nina Ogie Diaz at Mama Loi sa naturang issue ay napukaw ang kanilang atensyon sa isang kumento ng netizen na sinabing, “Kuya Kim, kung ako sa ‘yo, since nagba-viral ka sa kaka-post mo, tulungan mo na lang ang tatay mo na manalo sa vice president,” saad ni Ogie base sa sinabi ng netizen.

Sa pagpapatuloy nila ay sinabi ni Ogie na tila may point ang sinabi ng netizen at sinabi niyang, “Pero kung tutuusin, may point. Dapat talaga tinutulungan na lang ni Kuya Kim. I-post niya yung daddy niya,” saad nito.
Na pick-up ng isang entertainment website ang naturang vlog ni Ogie Diaz patungkol kay Kuya Kim at inilathala ito sa kanilang website, na siyang ibinahagi naman ni Kuya Kim.
Sa kaniyang twitter account ay ibinahagi ito ni Kuya Kim at sinabing hindi umano sila pinapayagang ikampanya ang kaniyang ama.
“Kumusta ka na? Congrats sa Youtube mo, very successful! Ogs, Kahit gusto kong tulungan ang Dad ko at kahit sinong kandidatong gusto ko, binabawal ng @gmanews ang any political activity such as campaigning lalo na sa kamag anak. Be well dear @ogiediaz,” tweet ni Kuya Kim.

Marami ang nagtanggol kay Ogie Diaz at sinabing binasa lamang niya ito, may iba naman ang nagsabi na tama si Kim dahil ipinagbabawal umano ang mangampanya ng mga nasa news.
Sinang ayunan ni Kuya Kim ang naturang netizen at sinabing maging sa ABS-CBN ay ganoon din naman ang gawain, “Also ABS naman, ABS news code of ethics prohibits reporters and anchors from campaigning for their respective candidates,” tweet ni Kuya Kim.
Ni retweet naman ni Ogie Diaz ang tweet ni Kuya Kim at sinabing, “Sabi yan ng isang netizen, kuya kim. I just verbalized it. I know sa news talaga, bawal ang kampanya. Ingat ka din.”
Matatandaang minsan na ring nagkasama sa ilang programa sina Kuya Kim Atienza at Ogie Diaz katulad na lamang ng Umagang Kay Ganda.
No comments