Netizens idinadawit si Barbie sa chika ni Xian Gaza, Diego nagsalita!
Barbie Imperial idinadawit ng netizens sa maanghang na blind item ni Xian Gaza, nobyong si Diego ipinagtanggol si Barbie?
Nitong nagdaang araw lamang ay nagbahagi ng isang tsismis ang self proclaimed boy marites na si Christian Albert Gaza sa kaniyang facebook account.
Sa blind item na ibinahagi ni Xian Gaza ay sinabi nito ang patungkol sa kontrobersiyal na tagpo sa pagitan ng social media couple na nahuli umano may kayakap na ibabang lalaki.
Sa kwento nga ni Xian ay nahuli umano ng babae ang kaniyang nobyo sa isang mamahaling hotel habang may kayakap umano itong babae na bestfriend pa umano nilang magkasintahan.
Sikat umano ang social media influencer couple kung saan ay may higit sa 10Million subscribers sa kanilang mga social media accounts, kasunod ng nakakagulat na tsismis na ito na ibinahagi ni Xian ay binati at ni tag naman niya si Barbie Imperial na tila pinick-up ng mga marites natin.

Hinuha tuloy ng maraming marites sa social media na si Barbie Imperial ang pinatutungkulan o kabilang sa blind item na ibinahagi ni Xian Gaza.
Dahil dito ay pinutakte ng iba’t-ibang kumento ang social media accounts nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ng mga mauusisang marites.
Kabi-kabilang kumento at intriga ang kasalukuyang ibinabato ng netizens sa magkasintahan at patuloy pa ring inaalam kung sinu-sino pa ang tinutukoy ni Xian.
Samantala sa kaniyang Instagram account naman ay nagbahagi ng kaniyang mensahe ng pagmamahal si Diego Loyzaga sa iniintrigang nobya niya na si Barbie.

“Don’t get caught up in all that noise. It’s just noise. My baby gurl and I are chillin. So sit back, relax, enjoy life,” ang makahulugang mensahe ni Diego para kay Barbie.
Agad namang ni replyan ito ni Barbie na tila kinilig sa mga nasabi ng kaniyang nobyo, “Awww mahal ko. I love you,” sabi ni Barbie kaakibat ang heart emoji.
Matatandaang si Christian Albert Gaza ay kilala sa paglalabas ng mga pinag uusapang tsismis ngayon ng netizens sa social media.
Habang nitong pagpasok lamang ng 2021 ng unang ianunsyo nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang kanilang matamis na pagmamahalan.
No comments