Rio Filomeno, ipinagtanggol ang kapatid na si Chie Filomeno sa mga bashers nito
Ipinagtanggol ni Rio ang kapatid niyang si Chie Filomeno mula sa pambabash na natatanggap nito na kasalukuyang nasa loob ng bahay ni kuya.
Sa kasalukuyan nga ay isa ang former Girltrends member na si Chie Filomeno ang siyang nominado ngayon na nanganganib mapalabas sa bahay ni Kuya para sa PBB Kumunity.
At sa pagkakabilang ni Chie sa listahan ng mga nominado ay kaakibat nito ang pamba-bash na natatanggap niya mula sa maraming tao.
Ani ng ibang netizens na dapat lamang na maalis na si Chie sa kompetisyon at ang iba naman ay pinupuna ang tila pagiging mas malapit nito kay Kyle Echari.
Kaya naman sa kaniyang facebook account ay hindi na nakapag-pigil pang maglabas ng saloobin ang kapatid ni chie na si Rio Filomeno at pinagtanggol ang kaniyang kapatid mula sa pamba bash at pambu bully na natatanggap nito mula sa mga netizens.

“Let your actions contradict what they’re saying. My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person,” pagsisimula ni Rio.
“Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba. Started being a breadwinner at a very young age and has faced a lot of false accusations but still remained to see the good in them,” dugtong nito.
Ipinagtanggol ni Rio ang kapatid mula sa hate at pambubully na natatanggap nito at tinawag nitong unfair judgement ang ginagawa ng nakararami sa kapatid.
“My sister is still facing cyber bullying, body shaming and misogyny from nasty people in all different social media platforms with them not knowing who she really is.

“Cyber bullying just became a trend to them to join in the bandwagon of hating someone. All they have is yung mga false accusations nila and napaka unfair ng judgement nila.
“Ang masama din dito KAPWA BABAE pa nag bobody shame and nag spread ng misogyny about her,” pagpapatuloy ni Rio saka ibinahagi ang naging tulong ni Chie sa bahay ni Kuya.
“1st week: Choreographer ng play. 2nd week: Yung team nila nila Aly ang naglalagay ng blocks lagi, never kong nakita tumunganga si Chie magkuskos ng kahoy.
“3rd week: task leader, arranged the sched of 300 orders alongside with Eian and Alexa, made the Ramen, PLUS they won this weekly task,” pagpapaliwanag ni Rio saka prinomote ang BBS Chie upang mailigtas ang kapatid sa nominasyon.
No comments