Alexa, gumawa ng paraan upang magkakitang muli ang matalik na magkaibigang Brenda at Eian
Gumawa ng paraan si Alexa Ilacad upang maibsan ang kalungkutang nararamdaman ni Eian sa pagka miss niya sa kaibigang si Brenda
Itong linggo nga sa mas umiinit na mga kaganapan sa pinaka pinag-uusapang bahay sa bansa na PBB Kumunity ay nahati ang housemates sa dalawang grupo.
Sa pagsisimula ng linggo ay hinati ng Head of household na si Anji ang mga housemates at maglalaban-laban para sa immunity sa nominasyon.
Kakaibang tensyon nga ang naganap dahil sa pagiging malulungkutin ng ilang housemates partikular na ni Eian Rances na ka-team nila Alexa at Alyssa.
Ikinasama ng loob ni Eian ang tila hindi umanong magandang pag-gu grupo sa kanila ni Anji lalo pa’t ang nakataya sa larong ito ay ang immunity para sa susunod na nominasyon, dagdag pa rito na ang ka-grupo niya ay may tatlong bilang ng mga nominado para sa linggong ito na sina Alexa, Karen at TJ.

Samantala bukal naman si Eian sa paglalabas ng kaniyang saloobin na si Brenda ang siyang pinaka nami miss niya sa kabilang grupo.
Ganun din naman ang nararamdaman ni Brenda kay Eian, patunay dito ang palagiang pagiging paksa nila ang isa’t-isa sa usapan kasama ang ilang mga housemates.
Isang pribilehiyo naman ang siyang pinagbotohan ng kumunizens kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang isang miyembro ng bawat grupo na makabisita sa kabilang grupo.
Nagwagi sa botohan at pinili ng kumunizens sina Alexa Ilacad at Shanaia Gomez upang makabisita ng ilang minuto sa magkabilang mga grupo.

Naging emosyonal ang pagkikita kita nina Alexa at team Samantha kung saan napuno ito ng pagyayakapan at iyakan dahil sa pagka miss nila sa bawat isa.
Sa pagbabalik naman ni Alexa sa kaniyang mga ka-grupo ay nagpasama siya kay Brenda upang maihatid siya sa kanilang kwarto, dahilan upang magkita muli kahit hindi magka-usap sina Brenda at Eian.
“Did you come in here with Brenda?, but he wasn’t allowed?,” tanong ni Jordan, “Nakita ko kayo,” sabi naman ni Eian.. “I Did, I just risk it (for him) {pointing to Eian},” sabi naman ni Alexa.
“Nakakainis, parang ang unfair na parang kasalanan ko, sana sa kaniya na lang (pointing to Eian about the privilege to visit other group)… Ako gusto ko lang talaga mapapasok si Brenda dito,” sabi naman ni Alexa.
“Alexa, Thank You nakita ko si Brenda sa malapitan,” ang isinagot naman sa kaniya ni Eian.
Reaction nila Alyssa, Eian, Jordan, Karen at TJ sa pagpasok ni Alexa at Shanaia sa magkabilang teams. pic.twitter.com/QxGolRiVgo
— Pinoy Big Brother Updates (@PBB_Updates_) December 2, 2021
No comments