Lolit Solis international na ang isyu: “Mas magaling si Jo In Sung kesa kay Gong Yoo”
Naglabas ng kaniyang saloobin si Manay Lolit Solis patungkol kina Gong Yoo at Jo In Sung
Sa kaniyang Instagram account ay muling nagbahagi ng kaniyang saloobin ang nag-iisang kilalang marites at batikang showbiz columnist na si Lolit Solis.
Lagi ngang laman ng showbiz balita ang mga saloobin na ito ni Manay Lolit lalo na sa mga maiiinit na chikang pinag-uusapan ng mga marites sa social media.
Ngunit ngayon ay tila tumawid si manay Lolit Solis mula pinas patungong South Korea at naglabas ng saloobin patungkol sa dalawang superstar doon.
Sa kaniyang Instagram post ay ipinaliwanag ni manay Lolit na mas nagagalingan umano siya sa South Korean superstar na si Jo In Sung kumpara sa isa pang superstar na ring si Gong Yoo, para sa kaniya ay kakaiba pa rin umano ang charisma at atake ni Jo In Sung pagdating sa pag-arte.

“Naku Salve noh, kahit ano sabihin mo tungkol kay Gong Yoo kay Jo InSung parin ako. Iba parin ang charisma at atake ni Jo InSung pagdating sa acting,” panimulang banat ni manay Lolit.
Ipinaliwanag niyang sigurado naman siyang mas marami na ang nakakakilala ngayon kay Gong Yoo kumpara kay Jo In Sung dahil sa dami nitong pinagbidahang serye.
Ngunit ibinida naman niya ang pagiging blockbuster umano ng naging pelikula ni Jo In Sung na sa tingin niya ay ilalaban din ng korea sa Oscars.
“Sure na sa ngayon siguro marami ang mas nakakakilala kay Gong Yoo dahil matagal narin bago nasundan ang mga serye ni Jo InSung.

“Pero blockbuster iyon ginawa niyang movie ha, at ang cute cute niya sa Escape from Mogadishu na sinasabi na baka isali sa Oscars ng Korea.
“Iba na ang level ng respect sa career ni InSung kaya naman iba na ang leveling. Saka bata pa si InSung star na siya, ang tagal na niya sa limelight kaya naman tiyak na mahirap na siyang alisin kung saan siya naka puwesto noh.
“Kaya kahit pa in 3 days 2M na followers ni Gong Yoo, mas bongga parin si Jo InSung na Oppa ko forever and ever, hah hah. Kahit ano pa gawin ninyo ni Gorgy, Salve, hindi nyo kaya ang magic ni Jo InSung noh,” ani manay Lolit.
Ang tinutukoy nito ay ang pagkakaroon ni Gong Yoo ng official Instagram account at tatlong araw mula ng ginawa niya ito ay humamig na ito ng 2M followers.
No comments